Home NATIONWIDE Malakanyang sa pagbuwis sa mga ari-arian ng mga bilyonaryo: “Nothing is off...

Malakanyang sa pagbuwis sa mga ari-arian ng mga bilyonaryo: “Nothing is off the table”

172
0

MANILA, Philippines – “Nothing is off the table.”

Ito ang tugon ng Malakanyang sa naging mungkahi ni dating pinuno ng NEDA na si Winnie Monsod na buwisan ang ari-arian ng mga bilyonaryo sa halip na suspendehin ang fuel tax sa gitna ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.

“So lahat po ng suhestiyon ay kinukonsidera. At dahil po diyan, at nabalitaan nga po natin ang magandang suhestiyon ni dating Secretary Winnie Monsod, inalam po din natin ang opinyon ng ating DEPDev Secretary Arsenio Balisacan. Ang kaniya pong opinyon at ang aking sasabihin, ang ganito pong klase na pagpapataw ng wealth tax ay talaga pong isang pangarap ng mga ekonomista,” ayon kay Castro.

“And these are his words, and I quote,“Imposing a wealth tax on the super wealthy is an economist’s dream because wealth tends to compound. A wealth tax slows wealth concentration over generations. Such concentration translates into political and economic power leading to market failures, slowing economic growth and further weakening inclusivity. Implementing or administering a wealth tax is never easy. Most countries that have tried it such as Germany, France and Sweden abandoned it because of its administrative complexity and the low revenue it generated. Moreover, a wealth tax may encourage capital flight especially when impose during an economic crisis,” aniya pa rin.

Itinuwid naman ni Castro ang napaulat na may mga ayuda na ibinibigay subalit sa kabilang banda ay tataas din naman ang presyo ng mga bilihin o ng langis.

“Sa ngayon po, ang hindi lang po makontrol ay ang presyo ng fuel, ng produkto ng petrolyo dahil hindi po natin hawak ito. Pero sa ngayon po, ang pamahalaan, sa utos ng Pangulong Marcos Jr. at sa pangunguna ni DTI Secretary Cris Roque at pati na po ng DA sa pangunguna po ni Secretary Kiko Tiu Laurel Jr., ay nakikipag-usap po sa mga manufacturing companies at sa mga other stakeholders na huwag pataasin muna ang mga presyo ng bilihin,” ayon kay Castro.

“Sa ngayon po ay masasabi natin na ito ang pinakamabilis na aksyon na maaaring gawin ng gobyerno para maibsan ang epekto ng krisis sa Middle East,” ang winika pa rin ni Castro.

At sa pamamagitan aniya nito, batid naman aniya ng lahat na sa ganitong pansamantala na mga ayuda sa mga filipino, batid aniya ng Pangulo na malaki ang epekto nito sa kanilang buhay. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here