PARIS – Mas matalino at mas mature pagkatapos ng mga naunang pagkabigo sa nakaraang international play, layunin ng national para taekwondo jin Allain Ganapin na sungkitin ang gintong medalya sa 17th Paris Paralympic Games dito.
“One match at a time lang po sir at talagang pinaghandaan ko po ito. I am taking my competition with a much more relaxed attitude,” sabi ng soft-spoken athlete, na na-sideline dahil sa COVID-19 bago siya gumawa ng kanyang Paralympic Games debut sa Tokyo tatlong taon na ang nakakaraan.
Pagkatapos noong nakaraang taon sa 4th Asian Para Games sa Hangzhou, China, pinarusahan ang 26-anyos na tubong Marikina dahil sa paghampas sa ulo ng kanyang kalaban sa unang round ng men’s 80-kilogram division, na nagresulta sa kanyang maagang diskwalipikasyon.
Sa lahat ng mga kabiguan na ito, hindi nawala ang pagnanais ni Ganapin na makipagkumpetensya para sa bandila at bansa at naging kwalipikado para sa ikalawang sunod na Paralympic stint matapos talunin ang Indian na si Sandeep Singh sa Asian Taekwondo Olympic at Paralympic qualification meet sa Taiyang, China noong Marso.
Kasama siya sa 12 entries na sasabak sa men’s 80-kilogram weight class ngayong Sabado sa Grand Palais kung saan itinanghal din ang Olympic taekwondo competition ilang linggo lang ang nakalipas.
“We will take it one match at a time but we are ready to compete in four matches (hanggang sa finals) kung kinakailangan,” wika ni coach Gershon Bautista.
Idinagdag ni Bautista na kung pabor ang draw sa kanyang pinahahalagahan na ward “maaari tayong makapasok sa finals sa loob lamang ng dalawang laban at labanan para sa ginto.”
Hindi lang nag-iisa ang coach dito na nagsasanay kay Ganapin kundi kasama ang kapwa para taekwondo coach na si August dela Cruz, na dapat sana ay gagawa ng mga shot para sa atleta sa Tokyo Paralympic Games, na kasama bilang sparring partner sa stint na suportado ng Philippine Sports Commission.
Sinabi ni Ganapin na ang kanyang mga malungkot na karanasan ay nagbigay sa kanya ng wastong pananaw sa pagharap sa mga pressure ng pagiging kauna-unahang para taekwondo jin ng bansa sa isport na minarkahan din ang pangalawang pagpapakita nito bilang isang dicipline na makakukuha ng medalya sa quadrennial meet bilag pinakamagaling na physicall-challenged na atleta sa mundo.
“Nananalangin po ako na dito sa hirap at paghahanda sa aming ginawa sa ikalawang Paralympic Games ko po ay makapagbigay ako ng karangalan sa ating bansa at kababayan. Ito din ang pagkakataon na mabigyan ng pansin ang iba pang para taekwondo jins na katulad ko,” wika nito.JC