Manila, Philippines – Tapos na ang kabanata tungkol sa alitan ng mag-inang Angelica Yulo at Carlos.
Hopefully.
Ito rin naman kasi ang panalangin ng pro bono lawyer ng ina ng double gold medalist sa Paris Olympics.
Dalangin ni Atty. Raymond Fortun, sana raw sa pagbabalik ni Carlo at sa ipatatawag na mediacon ay wala nang magtatanong tungkol sa naging alitan nila ng kanyang ina.
After all nga naman, humingi na ng tawad si Angelica sa anak nang humarap sa press nitong umaga ng August 7, Miyerkules.
Pero kung game over na sa iringan at girian ang mag-ina ay pumalit naman si direk Daryll Yap at si Chloe San Jose, nobya ni Carlos.
Makatawag-pansin kasi ang post ng movie director sa kanyang Facebook account.
Anito: “Papansin din kasi itong si ‘Goldilocks,’ eh!”
Obyus na ‘yun ang tawag niya kay Chloe dahil sa kulay ng buhok nito.
Hindi naman nagpatinag si Chloe na sumagot ng: “Parang ikaw lang, direk. Quits lang!”
Na tinugunan naman ni direk Daryll ng: “Anong quits lang? Pina-say mo sa jowa!”
Hindi na muling sumagot si Chloe at sa halip ay mga kakampi niya ang rumesbak para sa kanya.
Kesyo “sumasawsaw” lang din naman daw ang direktor sa isyu na pinalagan niya: “Sumasawsaw? At least, hindi sawsawan!”
Sa bandang huli ay nauunawaan ng mga netizens where Carlos is coming from.
What love can do nga naman, keber kung ayaw ng tao si Chloe para sa kanya. Ronnie Carrasco III