Home NATIONWIDE Pondo para sa pagtatayo, pagsasaayos ng barracks ng mga sundalo tiniyak ng Kamara

Pondo para sa pagtatayo, pagsasaayos ng barracks ng mga sundalo tiniyak ng Kamara

MANILA, Philippines- Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na maglalaan ng pondo sa susunod na budget para sa pagpapagawa at pagsasaayos ng barracks ng mga sundalo.

Inihayag ito ni Romualdez sa pagbisita nito kasama ng ilang mambabatas sa 11th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Teodulfo Bautista sa Busbus Village, Jolo, Sulu.

Sa kanyang talumpati, pinuri ni Romualdez ang mga opisyal at sundalo sa kanilang pagtatanggol at paglaban sa mga panloob at panlabas na banta upang mapanatili ang demokrasya at soberanya ng bansa.

“We have to look after the welfare of our soldiers – our officers and men. We have to provide them with comfortable housing quarters,” pahayag ni  Romualdez.

“They are the most important component of our national defense program. They are in charge of protecting the country from threats – internal or external – to promote and maintain peace,” dagdag pa nito.

Una nang sinabi ni Romualdez na suportado ng Kamara ang dagdag na pondo para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng 2025 National Expenditures Program.

Nangako si Romualdez na titignan ng Kamara ang pangangailangan na makapagtayo ng mga dagdag na barracks at pagandahin ang mga nakatayo na. Gail Mendoza