Home ENTERTAINMENT Michelle, nag-throwback sa panloloko ng ex!

Michelle, nag-throwback sa panloloko ng ex!

Manila, Philippines – Naging espesyal na panauhin ng It’s Showtime ang mag-inang Melanie Marquez at Michelle Dee.

Looking intently at the mother and daughter as they walked toward the set, hindi ka puwedeng hindi makaisip na “the apple doesn’t fall far from the tree.”

Sa tindig at kabuuang aura, walang duda na si Michelle is a chip off the old block.

Pag-ibig at relasyon ang paksa ng panayam sa mag-ina.

Ang assigned hosts para sa segment na ‘yon ay sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Vhong Navarro at Anne Curtis.

Tinanong ang dating Miss International kung ano ang kanyang maipapayo kay Michelle pagdating sa pag-ibig.

Walang kagatul-gatol na sagot ni Melanie: “Huwag siyang maging tanga na tulad ko!”

When further asked to qualify her answer, nilinaw ni Melanie na huwag sanang gumaya si Michelle sa kanya na naging isang dalagang ina.

Open knowledge na minsan nang naugnay si Melanie sa noo’y sikat na action star na si Lito Lapid.

Wish ni Melanie para sa anak na physically, sana’y makatagpo ito ng lalaking higit na matangkad sa kanya.

Dapat din daw ay higit na mas matalino ang lalaki kumpara kay Michelle.

But to top it all, Melanie wishes that her daughter marries a hardworking guy: “Guwapo nga kung tamad naman, wala rin!”

Samantala, inamin ni Michelle na sa ganda niyang ‘yon ay nakuha pa raw siyang lokohin ng dating nobyo.

Aniya: “Like we broke up today, tapos, kinabukasan may iba na siya!

“May isa pa, nasa bahay ko pa at ka-Facetime niya ‘yung ibang girl right in my house!”

Pero natuto na raw si Michelle mula sa mga karanasang ‘yon as in she knows better this time. Ronnie Carrasco III