Home NATIONWIDE Mas maluwag at bagong detention facility pinasinayan sa Kamara; 37 nakulong sa...

Mas maluwag at bagong detention facility pinasinayan sa Kamara; 37 nakulong sa contempt

MANILA, Philippines- Isang 16-kataong detention facility ang pinasinayaan nitong Biyernes sa House of Representatives.

Kasama ang ilang mambabatas, pinangunahan nina House Secretary-General Reginald Velasco at Sergeant-at-Arms Napoleon Taas ang inagurasyon ng apat na kwartong pasilidad na matatagpuan sa gusali nh Legislative Security Bureau (LSB).

Bago ang pagpapasinaya sa nasabing detention facility ay walang permanenteng lugar ang Kamara para idetine ang mga resource speaker na una nang nakasuhan ng contempt.

“The rooms of the detention facility could now ‘comfortably’ accommodate persons cited in contempt during the legislative investigation process and ordered detained for a number of days,” pahayag ni Velasco.

Ang mga komite na maaaring magpalabas ng contempt citations ay ang Public Accounts; Public Order and Safety; Human Rights; Dangerous Drugs; at Franchise at Agriculture.

Sa kasalukuyan ay may dalawang nakapiit ngayon sa Kamara dahil sa contempt, kabilang sina Daisy Quiros, isang real estate broker na inutos ng Committee on Public Accounts na ikulong at Ronalyn Baterna, corporate secretary ng Lucky South 99 na ipinapiit ng Committee on Public Order and Safety.

Samantala, sinabi ni Taas na noon na wala pang sariling kulungan ang Kamara ay napipilitan silang ilipat ang mga pinatawan ng contempt sa Bureau of Jail Management and Penology sa Bicutan.

“Now detainees could serve their detention orders in a dignified condition. It also affords the Security Bureau a facility that is much easier to secure,” pahayag ni Taas.

Nabatid na sa ilalim ng 19th Congress ay nasa 37 na ang pinatawan ng contempt charges at pinakulong ng House of Representatives. Gail Mendoza