MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon na magbuhos ng resources upang masiguro na magiging maayos ang buhay ng mga Pilipino sa gitna ng kamakailan lamang na economic gains.
Sa kanyang video statement, sinabi ng Pangulo na 6.3% ng economic growth sa second quarter ng 2024, ang 3.1% ay napunta sa unemployment rate, at ang 15.5% ay bumaba sa poverty rate.
“Bagama’t maganda ang datos na ito, wala itong kabuluhan kung hindi maramdaman ng ating mga kababayan,” ayon kay Pangulong Marcos.
“So I assure you, this government will continue to invest in job-generating infrastructure, social protection programs, health and education for all Filipinos,” dagdag niya.
“We will not rest on our laurels but use them to propel us forward into social and economic transformation,” sinabi pa ng Chief Executive.
Ang video ay pinost matapos na ipalabas ni Vice President Sara Duterte ang pahayag kung saan binabatikos nito ang gobyerno ng Pilipinas para sa kakulangan ng aksyon at “disloyalty.”
Binatikos ni Duterte ang gobyerno sa sinasabing kakulangan ng infrastructure at healthcare systems.
“Ang Pilipinas ay pinamumunuan dapat ng mga taong may malasakit at kakayanan para itaguyod ang malinis na pamahalaan at pag-unlad ng bayan,” ayon kay Duterte.
“Subalit ang Pilipinas ngayon ay pinamumunuan ng mga taong walang katapatan sa trabahong sinumpaan. Kaya ang tanging nananaig sa atin ay takot para sa kinabukasan ng ating mga anak,” dagdag na pahayag nito.
Winika pa ng Pangulo na ang 6.3 % growth ay isa sa pinakamataas sa Southeast Asia.
“This is due to the increase in investments and construction under the Build Better More program,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy ang gobyerno na lumilikha ng de-kalidad na trabaho.
“This June, the unemployment rate dropped to 3.1 percent, one of the lowest on record for the last two decades. Over 50.3 million Filipinos are now employed, with 63.8 percent of them in the formal sector,” ayon sa Punong Ehekutibo.
“Lalong dumadami ang mga kababayan nating may disente at pormal na hanap buhay at naging bahagi ng middle class,” patuloy nya.
Tinuran ng Pangulo na ang pagbaba sa poverty rate ay nangangahulugan na “we have lifted two and a half million Filipinos out of poverty, and only 10.9 percent of Filipino families remain poor.”
“Our goal is to further reduce this rate to 9 percent by 2028, and improve the lives of 8 million Filipinos,” wika ni Pangulong Marcos. Kris Jose