MANILA, Philippines- Makararanas ang ilang lugar sa Quezon City, Taguig City, San Juan City, Antipolo City, at sa mga munisipalidad ng Cainta at Taytay ng temporary water service stoppage mula Agosto 12 hanggang 15.
Sinabi ng Manila Water Company na ikakasa ang water service interruption dahil sa scheduled maintenance activities sa nasabing panahon.
Pinayuhan ng water firm ang mga apektadong tubig na mag-imbak ng tubig.
Batay sa anunsyo ng Manila Water sa Facebook nitong Biyernes, magaganap ang water service interruption sa ilang bahagi ng Taguig at San Juan sa Metro Manila, at Cainta, Antipolo, at Taytay sa lalawigan ng Rizal sa mga sumusunod na petsa at schedule:
Taguig City
Mula August 12, 10 p.m. hanggang August 13, 5 a.m.
Ilang bahagi ng Barangay West Rembo
Ilang bahagi ng Barangay Northside
Rason: line meter replacement sa kahabaan ng Kalayaan Avenue, West Rembo
Ilang bahagi ng Barangay Western Bicutan
Rason: cut and plug activity sa kahabaan ng A. Luna Street, AFPOVAI Phase 4 at 6, Western Bicutan
Mula August 13, 10 p.m. hanggang August 14, 5 a.m.
Ilang parte ng Barangay East Rembo
Rason: line maintenance sa kahabaan ng Cavalry Village, Barangay East Rembo
Mula August 14, 10 p.m. hanggang August 15, 5 a.m.
Ilang parte ng Barangay Pembo
Rason: line meter replacement sa kahabaan ng Sampaguita Street corner Jasmin Street, Pembo
San Juan City
Mula August 12, 10 p.m. hanggang August 13, 4 a.m.
Ilang bahagi ng Barangay Addition Hills
Rason: line maintenance sa Ortega corner A. Mabini
Quezon City
Mula August 14, 10 p.m. hanggang August 15, 4 a.m.
Ilang bahagi ng Barangay Mariana