Home NATIONWIDE Government borrowings sumirit ng 77% noong Mayo

Government borrowings sumirit ng 77% noong Mayo

MANILA, Philippines- Sumirit ng 77% ang government borrowings nito lamang buwan ng Mayo dahil sa tinatawag na ‘maiden offshore bond sale’ ng pamahalaan ngayong taon.

Makikita sa data ng Bureau of the Treasury na tumaas ang gross financing ng 77% sa P259.33 billion noong buwan ng Mayo mula sa P146.78 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ang pagtaas sa government borrowings ay bunsod ng foreign borrowings, umakyat mula sa P14.99 billion noong nakaraang taon na naging P127.61 billion ngayong taon.

“This surge in offshore financing was mainly attributed to raising P115.25 billion through the Marcos administration’s first foreign commercial borrowing in 2024,” ayon sa ulat.

Karagdagan sa commercial borrowing, P12.36 billion ang nadagdag noong Mayo sa pamamagitan ng development partners ng bansa para suportahan ang iba’t ibang proyekto ng gobyerno.

Samantala, nanatili namang stable ang domestic borrowings noong Mayo, nakakuha ang Treasury ng P131.72 billion, isang marginal increase kumpara sa P131.79 billion sa kaparehong panahon sa nakalipas na taon.

“May’s gross borrowings pushed the national government’s total for the first five months to P1.422 trillion, a 16 percent increase from the P1.224 trillion recorded in the same period last year,” ayon pa rin sa ulat.

Sa kabilang dako, ayon sa Treasury report, ang foreign borrowings sa end-May ay nanatili sa P251.71 billion, bumaba ng 27% mula sa P243.87 billion na naiulat noong nakaraang taon.

Gayunman, ang domestic borrowing mula Enero hanggang Mayo ay umakyat ng 33% sa P1.17 trillion, mula P880.9 million sa kaparehong panahon ng nakalipas na taon.

Ngayong 2024, layon ng administrasyong Marcos na makakuha ng mas maraming pondo kaysa sa inaasahan sa simula, target ang kabuuang borrowing na P2.57 trillion, tumaas mula sa original na layunin na P2.46 trillion.

Sa kabila ng adjustment na ito, napanatili ng Treasury ang borrowing mix na 75:25, pabor sa domestic sources.

Sa partikular, plano ng gobyerno na manghiram o mangutang ng P1.927 trillion mula sa local market, habang ang natitirang P624 billion ay huhugutin mula sa external avenues. Kris Jose