Home METRO Gov’t employee sa Basilan itinumba

Gov’t employee sa Basilan itinumba

MANILA, Philippines – Patay ang isang government employee ng Isabela City sa Basilan matapos barilin sa harap ng bahay nito sa naturang lungsod nitong Huwebes, Pebrero 20.

Ang biktima na kinilalang si Ricardo “Rix” Laguardia, 30, ay nagtatrabaho sa peace and order and illegal drug prevention department ng opisina.

Sa ulat ni Isabela City police station chief Police Lt. Col. Raymond Sanson, papasok na sa bahay si Laguardia nang barilin ito ng isa sa dalawang gunmen na sakay ng motorsiklo.

Tumakas ang mga suspek patungo sa loob na bahagi ng Barangay San Rafael.

Agad namang dinala ang biktima sa ospital ngunit idineklarang nasawi.

Nakuha sa crime scene ang tatlong .45 caliber cartridges.

Si Laguardia ay miyembro ng LGBTQIA at assistant focal person for peace, order, and public security.

Nagsilbi rin siyang pinuno ng secretariat ng City Peace and Order Council at City Anti-Drug Abuse Council ng city government of Isabela City.

Kinondena ni Isabela City Mayor Djialia Turabin Hataman ang pamamaril at hinimok ang Isabela City police na bilisan ang imbestigasyon para matukoy ang mga suspek.

Ito na ang ikalawang shooting incident sa Isabela City sa kabila ng implementasyon ng election gun ban. RNT/JGC