Home NATIONWIDE Gov’t websites ‘kaakit-akit’ sa cyber hackers – exec

Gov’t websites ‘kaakit-akit’ sa cyber hackers – exec

MANILA, Philippines- Inihalintulad ng isang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) official nitong Huwebes ang government websites sa “exams” o “graduation” para sa hackers kaya umano lagi itong inaatake.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni CICC Assistant Secretary Mary Rose Magsaysay na “naaakit” sa government websites ang hackers.

“Basta kapag government, yummy – iyan talaga ang pinipilit giyerahin ng bawat ano. Parang iyan ba iyong kanilang exams,” aniya nang tanungin kung gaano kadalas ma-hack ang government websites.

“Talagang inaatake tayo day-in, day-out – lahat, encompassing left to right, maski maliliit na LGUs (local government units),” wika pa ni Magsaysay.

Sa parehong public briefing, sinabi ni CICC Highly Technical Consultant Drexx Lagui na nakatutulong din ang artificial intelligence (AI) sa hackers.

Base kay Lagui, maaaring gamitin ang AI upang makabasa ng batas ng Pilipinas upang makahanap ng “legal loopholes and remedies.”

“Kung mahuli man sila, ano iyong kanilang puwedeng gawing legal tactic para hindi sila mapako sa korte. Isa iyon sa mga pwede nilang gawin,” aniya, na tinutukoy ang paggamit ng hackers ng AI.

Ilang high-profile Philippine websites na ang na-hack sa mga nakalipas na buwan, kabilang ang web pages ng Kamara at ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. RNT/SA