Home ENTERTAINMENT Gown ni Bea sa GMA gala, inokray!

Gown ni Bea sa GMA gala, inokray!

Manila, Philippines – Balot na balot.

Ganito kasimple kung ilarawan ang gown na isinuot ni Bea Alonzo sa nakaraang GMA Gala Night.

Bagama’t may mga nagagandahan din, hindi daw nag-stand out ang Kapuso actress tulad ng inaasahan.

Naka-turtle neck na kasi’y mahaba pa ang manggas ng gown ni Bea.

Sa mga kuha nga sa kanya kasama sina Heart Evangelista at Marian Rivera, Bea’s gown failed in comparison.

Ganoon din nang paunlakan ni Bea ang mga photo op kasama si Vice Ganda kung saan magka-holding hands pa sila.

‘Di hamak na mas nakaagaw pa raw ng pansin ang gown ng Unkaboggable Star.

Iba’t iba ring reaksyon meron ang mga bihasang kumilatis ng fashion.

“Polarizing” daw ang kasuotan ni Bea kung saan kalahati raw sa kanila “loved the shape of her gown.”

Mas harsh naman ang ibang hindi nagkagusto sa gown ni Bea.

Inihalintulad kasi nila ito sa isang lampara.

Still others thought Bea wore a throw pillow.

At ang the height ng pang-ookray: baha raw ba sa pinanggalingan ni Bea at nagsuot siya ng floaters o pampalutang?

Hayun tuloy, kabaligtaran daw ang nangyari: hindi lumutang ang ganda niya kundi natabunan!

Aray! Ronnie Carrasco III