Home NATIONWIDE Bong Go: Walang pulitika dapat ang pagtulong sa mahihirap

Bong Go: Walang pulitika dapat ang pagtulong sa mahihirap

MANILA, Philippines – Matapos tumulong sa mga kooperatiba sa Iloilo City, binigyang-diin ni Senador Christopher “Bong” Go ang kritikal na kahalagahan ng karagdagang suporta para sa mahihirap na populasyon ng bansa.

“Walang pulitika dapat ang pagtulong sa mga mahihirap,” ani Go na idiniin ang mahalagang katangian ng patas na pamamahagi ng tulong.

“Totoo naman po ‘yun, kaya nga po dapat pagbutihin natin ang mga programa at serbisyo para sa ating mga kababayang Pilipino. Lalo na po, ‘yung pinakamahirap. Unahin po dapat ang pinakamahirap natin na kababayan,” dagdag niya.

Ang panawagan ng senador para sa aksyon ay kaugnay ng mga istatistika mula sa National Nutrition Council (NNC) na isa sa tatlong Pilipinong sambahayan ang nakararanas ng kawalan ng pagkain, na direktang humahantong sa malnutrisyon at mga kahihinatnan nito.

Ayon kay NNC Assistant Secretary Azucena Dayanghirang, ang malnutrisyon ay hindi lamang isang isyu sa kalusugan kundi isang developmental na nag-aambag sa pagbawas ng intelligence quotients at stunting growth sa mga batang Pilipino.

“Importante po talaga ang food security. Dapat po walang magutom. Kung may pera po ang gobyerno, dapat gamitin po ito sa tama. Ibalik po sa Pilipino,” ayon sa senador.

Iginiit niya na dapat tulungan at suportahan ang mga magsasaka sa pagsasabing kung wala sila ay magugutom ang lahat.

Nanawagan si Go sa Department of Agriculture at iba pang ahensya tulad ng DSWD at DOLE na lubos na magsikap sa paghahatid ng tangible aid sa mga nangangailangan.

Si Go, miyembro ng Senate committee on agriculture, ay patuloy na nagsusulong ng pagpapalakas ng sistema ng suporta sa agrikultura. Kinikilala niya ang kontribusyon ng mga magsasaka sa pagpapanatili ng seguridad sa pagkain.

Isa siya sa may-akda ng Republic Act 11901, o ang Agriculture, Fisheries, and Rural Development Financing Enhancement Act of 2022, na nagpahusay sa istrukturang pinansyal na sumusuporta sa agrikultura, pangisdaan, at pag-unlad sa kanayunan.

Idinisenyo ang batas na ito upang mag-alok ng maayos na access sa kredito para sa mga komunidad sa kanayunan, partikular sa mga magsasaka, mangingisda, at agri-based workers.

Nagsilbi rin siyang co-sponsor at co-author sa Senado ng RA 11953, na kilala rin bilang New Agrarian Emancipation Act.

Bukoddito, inihain ng senador ang Senate Bill No. (SBN) 2117 na layong tiyakin ang masusing proteksyon ng crop insurance para sa mga benepisyaryo ng repormang agraryo. RNT