Home NATIONWIDE Trilateral maritime cooperation, palalakasin ng US, PH, Japan

Trilateral maritime cooperation, palalakasin ng US, PH, Japan

1
0

MANILA, Philippines – Nais palakasin ng United States, Philippines, at Japan ang kanilang maritime at security relations, kabilang ang “trilateral alignment” ng foreign assistance, ayon sa US Department of State noong Miyerkules.

Ito ay kasunod ng 2nd US-Philippines-Japan Trilateral Maritime Dialogue na ginanap sa Maynila noong Hunyo 8, kung saan pinagtibay ng mga matataas na opisyal ng tatlong bansa ang kahalagahan ng kanilang partnership sa “current situation” sa rehiyon.

Ayon sa US Department of State, tinalakay ng tatlong bansa ang pagpapalalim ng maritime cooperation para sa isang “free and open Indo-Pacific region.” Kasama rito ang joint operations at exercises, capacity building initiatives, at pagsasabay ng foreign assistance.

Nagpahayag din ang tatlong bansa ng matinding pagtutol sa anumang unilateral na hakbang na magbabago sa status quo sa pamamagitan ng puwersa o coercion sa South China Sea.

Muling kinilala ng mga ito ang 2016 Arbitral Ruling tungkol sa South China Sea, na magdiriwang ng ika-10 anibersaryo nito sa Hulyo.

Ayon sa Japanese Ministry of Foreign Affairs (MOFA), napagkasunduan din ng tatlong panig na palakasin ang kani-kanilang bilateral initiatives sa mas pinagsama at multi-layered na paraan, at panatilihin ang momentum ng trilateral cooperation sa hinaharap.

Sa panig ng Pilipinas, dumalo si Foreign Affairs Undersecretary Leo Herrera-Lim kasama ang mga opisyal mula sa National Security Council (NSC), Department of National Defense, at Philippine Coast Guard. Ang US delegation ay pinangunahan ni Assistant Secretary Michael George DeSombre, habang ang Japan ay kinatawan ni MOFA Deputy Director-General Hokugo Kyoko. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here