Home METRO Gr. 10 hinampas ng hollow block sa mukha, sugatan

Gr. 10 hinampas ng hollow block sa mukha, sugatan

DAVAO – Isang Grade 10 na estudyante sa Davao City ang nasugatan matapos hampasin sa mukha ng isang 16-anyos na binatilyo gamit ang piraso ng hollow block.

Nangyari ang insidente noong Biyernes sa harap ng isang karinderya sa Barangay Crossing Bayabas, Toril district, na nakuhanan sa cellphone video.

Sinubukan pa ng suspek na muling hampasin ang biktima pero mabilis itong tumakas nang habulin ng mga kasamahan ng estudyante.

Ayon sa pulisya, nagtamo ng sugat sa kilay ang biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. RNT