MANILA, Philippines – Nadakip sa isinagawang operasyon ng Taguig City police ang tinaguriang Top 5 most wanted person (MWP) ng Southern Police district (SPD) sa Batangas City Sabado ng gabi, Pebrero 22.
Sa report na isinumite ni Taguig City police chief P/Col. Joey Goforth kay SPD director PBGEN Manuel Abrugena ay nakilala ang nadakip na suspect na si alyas Johnbert.
Sinabi ni Goforth na sa kanyang pamumuno ay kanilang inaresto si alyas Johnbert dakong alas 6:00 ng gabi sa Batangas Port, Brgy. Sta. Clara, Batangas City.
Ang pag-aresto sa suspect ay naisakatuparan sa bisa ng isinilbing warrant of arrest na inisyu noong Enero 6, 2025 ni Taguig City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Loralie Cruz Datahan ng Branch 69.
Si alyas Johnbert ay nahaharap sa tatlong kaso ng Qualified Rape (Article 266-A, Paragraph 1 ng Revised Penal Code na inamyendahan ng RA 11648) na walang kaukulang piyansa, at sa kasong Qualified Sexual Assault (Article 266-A Paragraph 2 na may kaugnayan sa Article 266-B ng RPC na inamyendahan naman ng RA 8353 na kinalaunan ay muling inamyendahan ng RA 11648) na may kaakibat na piyansa sa halagang P120,000 para sa kaynag pansamantalang Kalayaan.
Matapos ang operasyon ay agad na inilagay sa kustodiya ng Warrant and Subpoena Unit (WSU) ng Taguig City police ang suspect para sa dokumnetasyon ng kanyang pagkakaaresto habang hinihintay ang commitment order ng korte na mag-uutos sa paglipat ng kanyang pagkukulungan sa Taguig City jail. (James I. Catapusan)