Home NATIONWIDE Anti-money laundering at anti-terrorism financing efforts ipinagmalaki ng DOJ

Anti-money laundering at anti-terrorism financing efforts ipinagmalaki ng DOJ

MANILA, Philippines – Nakagawa ng mahahalagang hakbang ang Financial Investigation and Litigation Enhancement and Prosecution Support Center (FILEPSC) ng Department of Justice (DOJ) sa pagtukoy, pag-imbistiga at pagliiltis sa mga money laundering (ML) at terrorism financing (TF) cases.

Iniulat ng  DOJ na mula 2020 hanggang 2024, nasa kabuuan na 5,557 Terrorism financing identifications ang naitala habang 1,816 na ganitong kaso ang maimbistigahan.

Sa kaparehong panahon, nakatangap ang DOJ ng 1,031 TF information for further action at 71 ang naaresto kaugnay sa TF activities.

Dahil sa mabilis na pagtukoy at imbestigasyon kaya mabilis tumaas ang mga kasong naisasampa at nasisiguro na naigagawad ang hustisya.

Samantala, may kabuuan na 794 na indibidual ang naakusahan na sangkot sa money laundering mula 2021 hanggang 2024.

Naisampa ng DOJ-FILEPSC ang 264 money laundering cases habang nasa 185 ang naisalang sa paglilitis nitong 2024.

Nasa 13,799 na money laundering activities ang naimbistigahan mula 2021 hanggang 2024.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang pinakahuling talaan ay patunay ng pangako ng DOJ na labanan ang financial crimes at masisiguro na mapapanagot ang may sala. Teresa Tavares