Home NATIONWIDE Grab driver hinoldap ng pasahero, kotse tinangay

Grab driver hinoldap ng pasahero, kotse tinangay

260
0

MANILA, Philippines – Hinoldap na, tinangay pa ang kotse na gamit ng Grab driver makaraang holdapin ito ng dalawa na nagpanggap na pasahero sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa report ng pulisya, kinilala ang biktima sa alyas na Terry, 33 anyos, binata, Grab driver at residente ng Barangay Poblacion 5 Proper, GMA, Cavite.

Sa ulat, dakong alas-5:20 ng hapon nang maganap ang panghoholdap at nagpabook ang mga suspek saka sumakay sa Toyota Vios na kulay Blackish Red Mika at may plate no. DBQ6230, na minamaneho ng biktima.

Batay sa imbestigasyon, sa Brgy. Anabu 2F, Imus City nito pinick-up ang dalawang lalaki na nagppahatid sa Barangay Paliparan 3, Dasmarinas City.

Nang malapit na sa drop off point ang mga ito, dito na nagdeklara ng hold-up ang mga suspek at tinutukan ng hindi mabatid na klibre ng baril ang biktima.

Inutusan ng isa sa mga suspek na ihinto ang sasakyan at pinalipat ang biktima sa likurang upuan at ang isa sa mga suspek ang nagdrive nito.

Kaagad namang nakakuha ng tiyempo ang biktima na makatakbo at nakahingi ng tulong habang sumisigaw ng tulong.

Mabilis namang pinatakbo ng mga suspek ang kotse na tinangay nila sa biktima kasama ang wallet, pera at mga bank cards at mga ID nito.

Natangay din ng mga suspek ang wallet ng biktima na naglalaman ng 8,000, mga bank cards at IDs.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow up ang pulisya kaugnay sa nasabing insidente. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here