Home METRO Grab rider dakip sa P340K tobats

Grab rider dakip sa P340K tobats

MANILA, Philippines – ARESTADO ang isang Grab Driver na High Value Individual ( HVI) sa listahan ng droga ng kapulisan ng Taguig City sa buy bust operation.

Nakuha sa itinuturing na high value individual ang ipinagbabawal na droga na nagkakahalaga ng P340,000 sa isinagawang operasyon pasado alas 7:20 gabi ng Martes sa waiting shed ng Pamayanang Diego Silang, BCDA, Ususan, Taguig City.

Kinilala ang suspek sa alyas na Mocki, na nakuhanan ng tinatayang nasa 50 gramo ng shabu na nakasilid sa knot tied transparent plastic.

Bukod sa ipinagbabawal na droga narekober din ng mga pulis ang ginamit na buy bust money na P1,000 bill, at 79 na piraso ng boodle money na ginamit sa bilihan, at isang Redmi 5G Android cellphone na naglalaman ng mga conversation messages ng pagbili ng droga.

Nahaharap naman ang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002. Dave Baluyot

Previous articleDuterte-China ‘deal’ probe sa pag-alis ng BRP Sierra Madre sa Ayungin  ‘aksaya sa oras – Panelo
Next articleHindi pa ko laos – Folayang