Home METRO Grade 4 stude patay sa gumuhong semento!

Grade 4 stude patay sa gumuhong semento!

Image Representation Only

ROXAS, Isabela- Patay ang isang Grade 4 student matapos madaganan ng gumuhong semento mula sa hinuhukay na drainage canal sa Brgy. Bantug, Roxas, Isabela.

Ang nasawi ang 14  taong gulang na lalaki ay residente ng nabanggit na lugar.

Una rito, nangongolekta ng bakal ang biktima kasama ang nakababata nitong kapatid sa ibaba ng nahukay na drainage project.

Habang sinusubukang hilahin ng biktima ang isang bakal ay gumuho ang malaking tipak ng semento mula sa itaas ng hukay at nahulog ito sa biktima.

Nagtulungan naman ang mga bystander na iangat ang nakadagang semento kung saan nagawa pa nilang isugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara ng patay ng attending physician. Rey Velasco