Home METRO Grade 7 stude nahulihan ng drug paraphernalia, patalim sa paaralan

Grade 7 stude nahulihan ng drug paraphernalia, patalim sa paaralan

3
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Isang 12-anyos na Grade 7 student ang nahulihan ng drug paraphernalia at isang kutsilyo habang nasa loob ng paaralan sa Talisay City noong Hunyo 8, 2026, na siya ring unang araw ng klase.

Ayon sa ulat, napansin ng guro ang mag-aaral at ini-report ito sa school guard. Nang siyasatin, nakuha sa bata ang drug paraphernalia at kutsilyo.

Dinala ang estudyante sa barangay hall, kung saan sinabi niyang iniingatan lamang niya ang mga gamit para sa kanyang pinsan.

Nabatid din na pumanaw na ang ama ng bata habang nagtatrabaho naman ang kanyang ina sa Maynila.

Matapos ang insidente, dinala ang mag-aaral sa isang reformation center na pinangangasiwaan ng pamahalaang lungsod ng Talisay para sa kaukulang intervention at suporta.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here