MANILA, Philippines – Nananatili pa rin sa watchlist ng United States Trade Representative (USTR) ang Greenhills Shopping Center, para sa mga pamilihang may kaugnayan sa counterfeiting at piracy.
Sa 2024 Review of Notorious Markets for Counterfeiting and Piracy, isinama ng USTR ang Greenhills Shopping Center sa San Juan City na kabilang sa physical markets na “continue to enable substantial trade in counterfeit and pirated goods.”
Ang Greenhills Shopping Center ang nag-iisang pamilihan sa Pilipinas na tinukoy sa 2024 report.
Nakasama rin ito sa listahan noong 2022 at 2023.
Sa kabila nito ay tinukoy naman ng US agency ang pamahalaan at pamunuan ng mall para labanan ang pamemeke at pamimirata.
“Law enforcement authorities, in collaboration with right holders, have conducted raids at the mall, and the management at Greenhills Shopping Center has applied a three-strikes rule to take action against counterfeit sellers,” ayon sa USTR.
“The government, through the National Committee on Intellectual Property Rights, has worked with right holders and shopping center management on implementing a transition program to transform Greenhills Shopping Center into a high-end mall with legitimate sellers,” dagdag pa sa report.
Kinilala naman ng USTR ang law enforcement at mall management efforts sa re-zoning ng mall at pagtutok sa pagbebenta ng mga lokal na produkto sa pamamagitan ng insentibo at premium locations sa mall.
“Right holders have welcomed the opportunity to collaborate with government authorities and Greenhills Shopping Center management to remove counterfeit sellers.”
Wala pang tugon ang Greenhills Shopping Center kaugnay nito. RNT/JGC