MANILA, Philippines – MULI na namang magkakaroon ang mga Navoteños ng karagdagang pagkukunan ng sariwang produkto makaraang pasinayaan ang greenhouse facility sa lungsod.
Si Navotas City Mayor John Rey Tiangco, kasama si Department of the Interior and Local Government Undersecretary Marlo Iringan at National Capital Region Assistant Regional Director Ana Lyn Baltazar-Cortez, ang namuno sa pagbabasbas at inagurasyon ng greenhouse sa NavotaAs Homes I – Brgy. Tanza 2.
“Food security has long been a pressing concern, but it was during the pandemic that we experienced firsthand how important it is to have sufficient and sustainable food sources. Hence, we sought to strengthen our urban agricultural initiatives,” ani Tiangco
“In addition to our vertical farm at the NavotaAs Homes II, our greenhouse facility will bolster our capability to provide fresh produce locally and mitigate reliance on external sources. By empowering Navoteños to grow their own food, we fortify our resilience against food crises,” dagdag ng alkalde.
Pinondohan ang greenhouse sa Php7 million financial subsidy na natanggap ng Navotas bilang isa sa pinarangalan bilang 2022 Seal of Good Local Governance.
Ito ay nilikha bilang ekstensyon sa Navotas Materials Recovery Facility (MRF), na kinapapalooban ng Biodegradable Waste Processing Equipment. Compost ng lungsod na nilikha upang magamit na mapalago ang mga iba’t-ibang pananim na gulay sa greenhouse.
Ang greenhouse ay may lugar para traditional composting methods at karagdagang waste processing equipment na may mushroom production room at upang mapanatiling sariwa ang produkto.
“The greenhouse isn’t just about providing sustainable food for Navoteños. It also serves as a solution to manage compostable waste”, paliwanag ni Tiangco.
Ang lungsod ay makikipag- ugnayan sa mga paaralan para sa hands-on learning, maging sa mga out-of-school youth.(R.A Marquez)