Home NATIONWIDE Internet voting tagilid kay Pimentel: ‘Walang batas’

Internet voting tagilid kay Pimentel: ‘Walang batas’

MANILA, Philippines – Lubhang ikinabahala ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ng plano ng Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng internet voting sa 2025 midterm elections.

Sa ginanap na pagdinig ng Committee on Electoral Reforms and People’s Participation kasama ang Finance nitong Lunes, sinabi ni Pimentel na kailangan ang batas kapag ginamit ang ganitong sistema.

“I have serious reservation,” ayon kay Pimentel.

“We really need a law if we are to adopt internet voting…Mabuti (It’s good) we do things correctly. With legal basis,” giit ng senador.

Ikinatuwiran ni Comelec Chairman George Garcia na alinsunod sa umiiral na batas, pinapayagan ang poll body na magsagawa ng ibang pamamarang pagboto at magsusumite lamng ng report sa joint congressional oversight committee.

Aniya, walang nagtungo sa Supreme Court upang kuwestiyunin ang kanilang pagkilos.

Pero, pabor silang magkaroon ng batas.

“Gusto namin may law sana to at least institutionalize internet voting in our country,” ayon kay Garcia.

Aniya, nakatakdang talakayan ang isyu sa susunod na pulong ng Comelec en banc.

Nagsasagawa ang Comelec ng post qualification evaluation sa joint venture ng SMS Global Technologies, Inc. aatnd Sequent Tech Inc. para sa internet voting contract. Ernie Reyes