Home NATIONWIDE Luzon, Visayas grids isasailalim sa yellow alert ngayong Martes, Mayo 14

Luzon, Visayas grids isasailalim sa yellow alert ngayong Martes, Mayo 14

MANILA, Philippines- Isasailalim ang Luzon at Visayas grids sa yellow alert ngayong Martes ng hapon at gabi, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Base sa abiso ng NGCP, ilalagay ang Luzon grid sa ilalim ng yellow alert mula ala-1 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon, maging mula alas-8 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.

“A yellow alert is issued when the operating margin is insufficient to meet the transmission grid’s contingency requirement,” base sa NGCP.

Ang kasalukuyang available capacity sa Luzon ay 14,963 megawatts, habang ang peak demand ay 13,871 megawatts.

Samantala, isasailalim ang Visayas grid sa yellow alert mula ala-1 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon at mula alas-6 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Ang kasalukuyang available capacity sa lugar ay 2,877 megawatts, na may peak demand na 2,646 megawatts. RNT/SA