Home NATIONWIDE Grupo nagsagawa ng kilos protesta ukol sa ika-10 anibersaryo ng arbitral ruling...

Grupo nagsagawa ng kilos protesta ukol sa ika-10 anibersaryo ng arbitral ruling sa WPS

3
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang isinara nitong Lunes, Hulyo 13 ang bahagi ng Kalaw Avenue patungong Roxas Boulevard matapos magsagawa ng protesta ang mga grupong progression sa labas ng Embahada ng Estados Unidos sa Maynila.

Ito ay bilang paggamit sa ika-10 anibersaryo ng landmark arbitral tribunal ruling sa West Philippine Sea (WPS).

Nagtipon-tipon ang mga demonstrator sa kahabaan ng Kalaw Avenue at sinabing magmamartsa patungong sa US Embassy kaya’t pansamantalang sinarado ng mga awtoridad ang apektadong bahagi ng kalsada para matiyak ang kaligtasan ng publiko at maisaayos ang daloy ng trapiko.

Noong 2016, pinawalang-bisa ng arbitral ruling ang pag-aangkin ng China sa halos buong South China Sea sa ilalim ng tinatawag nitong nine-dash line at kinilala ang sovereigh rights ng Pilipinas sa ilang bahagi ng WPS batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here