MANILA, Philippines – Nabuo bilang Tropical Depression Haishen ang dating low pressure area (LPA) sa silangan ng Visayas, ayon sa PAGASA.
Ala-11:00 ng umaga nitong Lunes, namataan ang bagyo 1,265 kilometro silangan ng Eastern Visayas, nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Taglay nito ang lakas ng hanging 55 kph at pagbugsong hanggang 70 kph.
Inaasahang kikilos ito pa-kanluran-hilagang-kanluran at maaaring pumasok sa PAR sa Lunes ng gabi o Martes ng madaling araw. Kapag nakapasok, tatawagin itong Bagyong Josie.
Ayon sa PAGASA, inaasahan ding lalabas ito ng PAR sa Miyerkules, Hulyo 15. RNT/MDS