Home TOP STORIES Grupo ng BFP retirees sinusuportahan ang paglilinis sa kanilang hanay

Grupo ng BFP retirees sinusuportahan ang paglilinis sa kanilang hanay

169
0

Nakahanap ng kakampi ang hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) chief F/Director Jesus Fernandez mula sa hanay ng BFP retirees’ group sa gitna ng mga alegasyon ng katiwalian na ibinunyag ni Department of the Interior Local Government Secretary Jonvic Remulla.

Kaugnay nito sa isang liham, pormal na nagpahayag ng buong suporta ang Bureau of Fire Protection Retirees Association of the Philippines, Inc. (BFPRAPI) sa nagaganap na internal reforms habang nananawagan ng patas na pagkilala sa todo-todo na kampanya ng Bureau para linisin ang sarili nitong hanay.

Ayon kay BFPRAPI president Retired Colonel Agapito Nacario, habang matatag ang paninindigan ng organisasyon sa misyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na puksain ang katiwalian sa gobyerno, sinusuportahan din ng mga retirees ang kasalukuyang pamunuan ng Bureau sa ilalim ni BFP chief Fernandez.

Samantala si Fernandez ay kasalukuyang nahaharap sa pinakamalaking hamon sa kanyang buhay kasunod ng hakbang ni Remulla na magsampa ng mga kasong administratibo at kriminal laban sa kanya (hepe ng BFP) sa Office of the Ombudsman.

“The recent public rebukes has cause significant demoralization within the ranks. Worse, the children of firefighters are reportedly facing bullying in schools due to this ‘shame campaign/ This must stop. The majority of our firefighters remain committed to integrity, transparency, and accountability,” paliwanag ni Nacario.

Kabilang sa binanggit ng pinuno ng grupo ng mga retirees ang aktibong pagpapatupad ng “Oplan Santindig” ng bureau na pinaigting ng kasalukuyang pamunuan, sa pamamagitan ng paghikayat sa publiko na mag-ulat ng mga recruitment scam at extortion activities.

Sinabi pa ng BFPRAPI na suportado nila ang nagpapatuloy na internal reforms ng bureau kasunod ng alegasyon ng katiwalian na kinasasangkutan ng isa sa pinakamatandabng institusyon ng gobyerno sa bansa. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here