Home NATIONWIDE Grupo sa Comelec: Manual voting ikasa vs ballot wastage

Grupo sa Comelec: Manual voting ikasa vs ballot wastage

MANILA, Philippines- Upang maiwasan ang delay sa pag-imprenta ng mga balota, hinikayat ng poll watchdog ang Commission on Elections (Comelec) na ibalik ang manual voting ngunit may automated transmission.

Inihayag ni Kontra Daya convenor Danilo Arao ang kanyang ideya nitong Lunes nang masayang ang anim na milyong balota para sa may 2025 elections at gumasta ng P132 milyon.

Noong Enero 14, hinarang ng Supreme Court ang hakbang ng Comelec na ideklara ang senatorial candidate na si Subair Guinthum Mustapha bilang nuisance candidate.

Ipinag-utos ng korte sa poll body na ibilang si Mustapha sa listahan ng senatorial candidate kahit pa nagsimula na ang pag-imprenta ng mga balota.

Sa naunang mga naimprentang balota, ang pangalan ni Mustapha ay hindi nakasama.

Sinabi ni Arao na sa pagbabalik sa manual voting ay maiiwasan ang pagkaantala dahil ang mga botante ay maaari lamang maiboto ang kanilang napipiling kandidato.

Sinabi pa ni Arao na ang mungkahing “hybrid elections” ay makatitipid ng bilyong piso dahil kailangan lamang ng minimal na equipment tuald ng laptops.

Para sa convenor, mayroon pa ring panahon ang Comelec na ikonsidera ang kanyang rekomendasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden