Home NATIONWIDE Grupo tutol gawing state witness si Bonoan sa flood-control cases

Grupo tutol gawing state witness si Bonoan sa flood-control cases

1
0

MANILA, Philippines – Iginiit ng grupong Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) na hindi dapat gawing state witness ng Office of the Ombudsman si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa mga kasong may kaugnayan sa umano’y iregularidad sa flood-control projects.

Ayon sa SPARK, hindi katanggap-tanggap na makaligtas si Bonoan sa pananagutan kapalit ng pakikipagtulungan sa imbestigasyon. Anila, sapat na ang testimonya ng dating DPWH officials na sina Henry Alcantara at Brice Hernandez upang patunayan ang mga alegasyon.

Binatikos din ng grupo ang umano’y espesyal na pagtrato kay Bonoan at ang pagkaantala ng Ombudsman sa pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa umano’y katiwalian. Iginiit nilang dapat mapatawan si Bonoan ng pinakamabigat na parusa.

Samantala, sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na mahirap ang naging desisyon ng kanilang tanggapan, ngunit kailangan si Bonoan bilang state witness dahil mayroon itong mahalagang impormasyon mula sa loob ng DPWH. Binigyang-diin din niya na ang pagbibigay ng immunity ay para makakuha ng mahalagang testimonya at hindi upang protektahan ang mga nagkasala.

Noong Mayo 28, nagsampa ang Ombudsman ng kasong plunder at graft laban kina Senador Jinggoy Estrada at Bonoan kaugnay ng umano’y ilegal na budget insertions at kickbacks sa DPWH infrastructure at flood-control projects. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here