Home NATIONWIDE Grupo, umapela sa Comelec: Iregular na donasyon kay Sen. Escudero, imbestigahan

Grupo, umapela sa Comelec: Iregular na donasyon kay Sen. Escudero, imbestigahan

271
0

MANILA, Philippines – Naghain ng reklamong paglabag sa halalan ang civil society group na ‘The Silent Majority-Silent No More’ laban kay Senator Chiz Ecudero sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec), Biyernes ng umaga.

Ayon kay Jozy Acosta-Nisperos, presidente ng nasabing grupo na dapat pagmultahin, mapakulong, idiskwalipika at hindi na papayagang makatakbo pa sa anumang posisyon sa gobyerno ang mga dapat managot lalo na kapag napatunayang nagkasala.

“If found guilty, which we beleived he is– is perpetuallly diqualification from public office which naturally it follows that he will be removed from office,” saad ni Nisperos.

HIling din ng grupo na istriktong ipatupad ang batas ng walang pabor at takot.

Nanawagan din sila na gawin ng Comelec ang kanilang mandato upang maibalik ang tiwala ng mga mamamayang Pilipilo.

Kinuwestyon naman ni Atty.Jess Falcis kung bakit ni-revise o in-ammend ang financial statement ng Centerways Construction and Development Inc na walang paliwanag na marahil ito ay sa ibinigay na ‘donasyon’ na P30 milyon kay Escudero.

Ayon naman kay Atty. Jess Falcis, ang pinakamabigat na piece of evidence na kanilang inihain sa kanilang reklamo ay ang audited financial statement at financial statement na isinumite ng Centerways Construction and Development Inc. sa SEC.

Hiling ni Atty.Falcis sa Comelec, na imbestigahan at tignan itong financial statements at banggain ang kinontribyut na kontribusyon ng Centerways kay Escudero. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here