Home HOME BANNER STORY Sirit-presyo sa petrolyo asahan sa susunod na linggo

Sirit-presyo sa petrolyo asahan sa susunod na linggo

391
0

MANILA, Philippines – Asahan na ng mga motorista ang panibagong dagdag presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo na ipatutupad ng mga kompanya ng langis sa bansa sa susunod na linggo.

Batay sa apat na araw na international petroleum trading, sinabi ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau, magpapatupad ng dagdag presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa ng tinatayang nasa humigit-kumulang P0.60 kada litro ng gasolina, P0.75 sa kada litro ng diesel, at P1.00 sa kada litro ng Kerosene.

Nabatid na ang mga presyo ng mga produktong petrolyo sa internasyonal na merkado ay pabago-bago dahil na rin sa pinakabagong mga parusa ng US sa langis ng Russia at ang optimismo sa potensyal na pagtatapos ng pagsasara ng gobyerno ng US.

Kalimitang nag-aanunsiyo ang mga kompanya ng langis sa bansa ng kanilang ipatutupad na “price adjustment” tuwing Lunes, na ipatutupad sa susunod na araw.

Matatandaan na huling nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa noong Martes, Nobyembre 11, makaraang magtaas sila ng presyo kada litro ng gasolina ng P0.50 at diesel ng P1.00.

Walang pagbabago para sa kerosene, dahil sa pambansang price freeze. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here