Home HOME BANNER STORY INC nanawagan ng pananagutan sa flood control mess sa 3-day rally

INC nanawagan ng pananagutan sa flood control mess sa 3-day rally

389
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Iglesia ni Cristo (INC) nitong Biyernes na ang rally nito sa Quirino Grandstand sa Maynila sa Nobyembre 16 hanggang 18 ay naglalayong manawagan ng pananagutan sa mga katiwalian sa flood control projects.

Sa isang pahayag, sinabi ng INC na ang “rally for transparency, accountability, justice, and peace” ay nakatakdang i-highlight ang sigaw ng publiko para sa maayos at transparent na pagsisiyasat sa mga maanomalyang flood control projects at iba pang climate-tagged projects kung saan mahigit isang trilyong piso ang tinatayang nawala dahil sa katiwalian mula noong 2023.

Ayon sa tagapagsalita at Ministro ng Ebanghelyo ng INC na si Bro. Edwil Zabala na hindi nilalayon ng pagtitipon na makialam sa pulitika.

“This November 16-18 rally is not to interfere in politics but to express our sentiment and lend the voice of the INC to the calls of many of our countrymen condemning the enormous evil involving many government officials,” aniya.

“We are appealing to the government to conduct a just and open investigation of all who are allegedly involved so that the perpetrators will be held accountable and the funds that they have stolen will be  returned to the public coffers,“ saad ni Zabala.

Sa unang araw ay sinabi ni Zabala na magkakaroon ng programa na magsisimula sa alas-4 ng hapon sa Quirino Grandstand.

Ang mga inaasahang tagapagsalita ay mga ministro ng INC ngunit ang mga hindi miyembro ng INC na ang mga iminungkahing talumpati ay naaayon sa panawagan ng grupo ay tinatanggap din, sabi ni Zabala.

Ayon sa tagapagsalita ng INC, ang tatlong araw na rally ay may mga permit mula sa local at national level authorities. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here