QUEZON CITY, Philippines – Pormal nang inanunsiyo ni Quezon City Councilor at MP Cup Commissioner Mikey Belmonte ang pagbubukas ng MP Cup Season 2.
Dahil sa tagumpay ng Season 1, ibinida ni Belmonte na mas maganda ang magiging liga ngayon na lalahukan ng 114 teams o magihit 1000 players mula sa anim na congressional dostrict ng QC.
Ayon kay coach Rensy Bajar, bawat team dapat ay may 13 to 17 na naglalaro o player kasama ng 18 year old na manlalaro.
Kasama sa rules na pwedeng magkaroon ang bawat team ng isang import na local player upang lalong maging maganda ang bakbakan sa loob ng court.
Sa ginanap na press conference sa MPB Gym sa Barangay Commonwealth, Quezon City sinabi ni Belmonte na layunin umano ng MB Cup na pangalagaan ang kabataan at iimprub ang kanilang leaderahip at ilayo sila sa droga.
Pinuri ng mga kabataan si Councilor Belmonte dahil sa maganda nitong layunin na nagbunsod sa kanyang pagdaraos ng MB Cup.






