Home ENTERTAINMENT Guesting ni Vice sa KMJS, inaabangan!

Guesting ni Vice sa KMJS, inaabangan!

Manila, Philippines- Officially, simula April 6 ay mapapanood na sa tanghali ang It’s Showtime sa GMA.

Ito’y nakasaad sa contract signing na ginanap sa pagitan ng GMA at ng ABS-CBN nitong March 20 ng hapon.

Ang Showtime ang pumalit sa binakanteng time slot ng Tape, Inc.-produced show na Tahanang Pinakamasaya.

Ayon sa ilang Showtime hosts, inaayos na raw ang listahan ng mga Kapuso stars na madadagdag bilang mga kasama doon.

As for its main host Vice Ganda, tinawag niyang “historic, iconic at mothering” ang pagsasabib-puwersa ng dalawang istasyon.

Bago ang kanilang paglipat ay sa GTV–sister station ng GMA–napapanood ang Showtime.

Kung matatandaan, inilarawan ni Vice Ganda na “better days are coming” ang kanilang GTV transfer bago ito nangyari.

Sa kaso naman ng kanilang GMA transfer, nagbigay ng clue ang Unkaboggable Star sa pagsasabing “best days are coming.”

Bale sa April 6 din nakatakda ang 48th birthday celebration ni Vice Ganda para palipasin ang Semana Santa.

The Sunday before that ay papatak sa March 31.

Tuwing gabi ng Linggo umeere ang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Marami ang umaasang maglalaan ang KMJS ng airtime para i-feature nito ang Showtime o si Vice Ganda.

Pagbigyan kaya ni Jessica Soho ang kahilingan ng mga loyal viewers ng nasabing noontime show?

O malabo pa ring pumayag ang batikang broadcast journalist dahil sa isyu sa kanila noon ni Vice Ganda?

Kung matatandaan, “pinleytaym” ni Vice Ganda si Jessica sa spiels nito sa kanyang concert noon sa Araneta Coliseum.

Realizing her mistake, nag-sorry naman ang TV host kay Jessica pero wala itong naging reaksyon.

Dahil nasa GMA na ang Showtime ay wala na bang choice o kawala si Jessica na i-guest si Vice Ganda?

O malabo pa rin sa parte ni Jessica to break her “self-imposed rule”?

What then should Vice Ganda do to soften Jessica’s heart at mapatawad siya nito? Ronnie Carrasco III

Previous articleMga netizen pinuri ng DENR sa pagpapaviral ng illegal na istruktura sa Bohol, Davao
Next articleTolentino namahagi ng ayuda sa Iloilo