Home METRO Gunman sa pagpatay ng pulis sa Bulacan, sumuko na!

Gunman sa pagpatay ng pulis sa Bulacan, sumuko na!

178
0

MANILA, Philippines – Sumuko na sa mga awtoridad sa Davao Region noong Miyerkules ang umano’y gunman sa pagpatay kay Bulacan police officer Staff Sgt. Renato Casauay Jr., ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon sa police report, boluntaryo sumuko ang kinilalang suspek na si Julian Salamat sa Digos City Police Station (CPS) matapos umamin sa isang alias na “Jay” tungkol sa kanyang pagkakasangkot sa pagpatay kay Casauay.

“The said suspect… voluntarily surrendered to the personnel of Digos City Police Station (CPS)… as the suspect confided with… alias ‘Jay’ about the former’s involvement in the killing of P/SSg. Casauay and that they will meet at Tagum City Bus Terminal,” ayon sa ulat.

“Thereafter, the suspect was fetched by Digos CPS personnel at the abovementioned place together with [Jay] and was properly turned over to Tagum City Police Station for proper disposition,” dagdag nito.

Batay sa Police Regional Office Central Luzon (PRO 3), nagtungo si Casauay sa bahay ni Oliver Mauricio sa Malolos City noong Enero 24 upang makipagkita umano kay Salamat, na dati niyang intelligence asset.

Ayon sa pulisya, binaril umano ni Salamat si Casauay dahil nagiging “problema” na ito sa umano’y drug syndicate matapos arestuhin ng pulis ang isa nilang kasamahan noong Disyembre.

Natagpuan ang bangkay ni Casauay sa loob ng septic tank sa likod ng bahay ni Mauricio noong Enero 31. Inaresto si Mauricio at tatlo pang suspek sa parehong araw.

Dalawa pang suspek ang sumuko noong Pebrero 3 sa Malolos police at noong Pebrero 4 sa Alicia, Isabela police. Apat na suspek ang nananatiling nakatakas.

Samantala, ayon sa National Press Club (NPC), si Oliver Mauricio ay anak ng mamamahayag na si Orlan Mauricio, na umano’y nadawit din sa kaso. Nagpahayag ang NPC ng “grave concern” dahil sa umano’y paglabag sa mga patakaran ng pagpapatupad ng batas sa pag-aresto kay Oliver, na nagdulot ng pangamba sa hanay ng mga media practitioner. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here