MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat na suplay ng tulong at ayuda sa mga lugar na apektado ng bagyong Basyang.
Sa Kapihan ng Samahang Plaridel, sinabi ni Social Worker Secretary Rex Gatchalian na nakahanda ang DSWD.
Aniya buo pa ang kanilang pondo dahil simula pa lamang ang taong 2026 gayundin ang mga quick reaction fund o disaster ng mga lokal na pamahalaan.
Kaugnay sa bilang ng apektado ng bagyo, sinabi ni Gatchalian na patuloy ang dating ng mga datos partikular mula sa Iligan at Cagayan de Oro.
Bagamat walang datos na maibigay ang kalihim hinggil sa mga ayuda pero binigyang-diin na may sapat silang pondo at paghahanda sa anumang sakuna.
Matagal na rin aniyang naka-preposition ang mga family food packs at iba pang mga kailangang resources para maka responde sa panahon ng sakuna.
Kasabay nito ang mabilis at madali na paghahatid ng tulong sa mga apektado. Jocelyn Tabangcura-Domenden