Home HOME BANNER STORY Higit 5,000 bagong abogado, nanumpa ngayon araw – SC

Higit 5,000 bagong abogado, nanumpa ngayon araw – SC

149
0
via Supreme Court PH FB page

MANILA, Philippines – Pormal nang nanumpa ang mahigit limang libong bagong abogado sa bansa na nakapasa sa 2025 Bar Examinations.

Isinagawa ngayong Biyernes ng umaga ang Oath-taking at Rolly signing Ceremony sa isinagawang Special En Banc Session ng Korte Suprema.

Idinaos sa Philippine Arena sa Bulacan ang seremonya na dinaluhan ng kabuuang 5,572 na nakapasa kung saan may 22 naman na hindi nakapunta.

Sa mensahe ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier, Chairperson ng 2025 Bar Exam, pinayuhan ang mga bagong abogado na maging responsable sa social media dahil kumakatawan na sila sa legal profession.

Ipinaalala rin ni Lazaro-Javier na panatilihin ang pinakamataas na panuntunan sa propesyon at maging maingat sa kanilang asal.

“Ang tawaging abogado ay hindi nangangahulugan na tayo ay higit kaninuman. Hindi ito lisensya para maging entitled, kundi isang pribilehiyo—isang pribilehiyo na maglingkod sa sambayanang Pilipino,” dagdag niya.

Ipinaalala rin ni Lazaro-Javier na ang Konstitusyon ay nagtatakda ng eksaktong pamantayan, kabilang ang pamumuhay nang simple.

Binanggit din niya na ang artificial intelligence (AI) ay hindi papalit sa mga abogado, kundi isang suporta lamang sa hustisya at hindi maaaring pumalit sa human judgment. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here