Hindi na napiga ng mga Senador si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang humarap sa pagpapatuloy
ng pagdinig ng Senado.Ginigisa ng mga senador si Sual, Pangasinan Mayor Liseldo Dong Calugay sa posibilidad na relasyon o ugnayan nila ni Guo. CESAR MORALES
MANILA, Philippines – Inutos ng Pasig Regional Trial Court ang paglilipat ng dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Leal Guo mula sa Pasig City Jail Female Dormitory patungo sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong matapos siyang makulong sa kasong qualified trafficking.
Kasama rin sa inilipat sina Rachelle Carreon at Jamielyn Santos Cruz na kapwa akusado ni Guo.
Pagdating sa CIW, tatanggapin sila sa Reception and Diagnostic Center (RDC) para sa pagsusuri ng dokumento at limang araw na quarantine. Susunod dito ang medical examination at 55-araw na orientation, diagnostics, at qualification sa RDC regular dormitory.
Pagkatapos ng 60-araw na proseso, ililipat sila sa kanilang itinalagang regular dormitories sa Maximum-Security Camp. Dave Baluyot