PANGASINAN- Arestado ang isang babaeng guro sa bayan ng San Fabian ng lalawigang ito dahil sa kinahaharap nitong kaso sa korte na 19 counts of Falsification of Public Documents.
Bandang alas-5:30 ng hapon nitong Huwebes (April 3) nang arestuhin ng mga tauhan ng San Fabian Municipal Police Station ang akusado.
Ayon sa mga awtoridad, ang 28-anyos na akusado ay residente ng naturang bayan.
Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest.
Nagtakda ang korte ng P72,000 ang kabuuang piyansa para sa akusado habang dinidinig ang kanyang kaso. Rolando S. Gamoso