Home TOP STORIES Sektor ng agrikultura palalakasin ni Camille Villar

Sektor ng agrikultura palalakasin ni Camille Villar

Inendorso ni Rep. Rosendo So ng SINAG partylist ang kandidatura ni Camille Villar sa Senado, dahil sa kanyang dedikasyon sa sektor ng agrikultura.

Habang nangangampanya sa Pangasinan, nangako si Villar na susuportahan ang mga panukalang batas na magpapalakas sa agrikultura at industriya ng hayupan. Ayon kay Rep. So, tulad ng kanyang mga magulang na sina Manny at Cynthia Villar, matagal nang tumutulong si Camille sa mga magsasaka at nag-aalaga ng manok at hayop.

Pinuri rin niya ang mga Villar sa pagpasa ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Law na nagpaparusa sa smuggling, hoarding, at profiteering sa sektor. Dagdag pa niya, suportado rin ni Villar ang panukalang Livestock, Poultry, and Dairy Competitiveness Enhancement Fund upang palakasin ang lokal na produksyon.

Naipasa na ang katulad na panukala sa Senado ngunit hinihintay pa ang pag-apruba nito sa Mababang Kapulungan. RNT