Home NATIONWIDE Guro bumangga sa tulay, patay

Guro bumangga sa tulay, patay

COTABATO-PATAY ang isang guro matapos bumangga ang minamaneho nitong kotse sa railing ng tulay, kagabi, Abril 5 sa bayan ng Tulunan.

Kinilala ang biktimang si Alvin Macailing, nasa hustong gulang at taga-Minapan, Tulunan.

Sa paunang imbestigasyon ng Tulunan Municipal Police Station, naganap ang insidente gabi ng Sabado o Abril 3, 2025 sa tulay ng Barangay Bual, ng nasabing bayan.

Sa lakas ng pagka salpok ng biktima, halos nawasak ang buong harapan ng sasakyan nito at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Dinala naman sa ospital ang biktima ng mga rumespondeng otoridad para lapatan ng lunas subalit binawian din ito ng buhay.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico