Home METRO Guro na inupakan ng 19-anyos sa Aklan, pumanaw

Guro na inupakan ng 19-anyos sa Aklan, pumanaw

1
0

AKLAN — Pumanaw habang ginagamot sa ospital ang isang guro sa kolehiyo matapos umanong suntukin ng isang 19-anyos na lalaki sa Barangay Mabilo, New Washington, Aklan.

Binawian ng buhay ang biktima nitong Martes, dalawang araw matapos ang insidente noong Linggo, Hulyo 26.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dumalo ang guro sa isang kasiyahan para sa advance celebration ng graduation nang magkaroon sila ng pagtatalo ng suspek.

Uuwi na sana ang biktima ngunit sinundan umano siya ng suspek at saka sinuntok, dahilan upang isugod siya sa ospital.

Nauna nang sinampahan ng reklamong frustrated homicide ang inarestong suspek, ngunit sinabi ng pulisya na babaguhin ang kaso matapos pumanaw ang biktima. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here