Home METRO Guro sapul ng ligaw na bala sa pagsalubong ng Bagong Taon

Guro sapul ng ligaw na bala sa pagsalubong ng Bagong Taon

Bulacan- Isang guro ang naitalang nasugatan matapos umanong tamaan ng stray bullet sa pagsalubong ng taon sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang kalunos-lunos na biktimang si Ariane, 29, single, teacher, residente ng Brgy. San Martin 1.

Sa report, nangyari ang insidente bandang alas-12:20 ng madaling araw nitong January 1, 2025 sa nasabing lugar.

Ayon sa report, nakatayo sa kanyang kwarto ang biktima sa kasagsagan ng putukan nang tamaan ng ligaw na bala sa likurang bahagi ng katawan.

Sinasabing agad dinala ng kaanak ang biktimang nagtamo ng minor injury sa Ospital ng Lungsod na agad ding pinalabas matapos ang gamutan.

Nang makarating sa pulisya ang nangyari ay agad nagsagawa ng follow-up investigation para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at para na rin mapanagot sa batas. Dick Mirasol III