Home HOME BANNER STORY Gusot sa Kamara paplantsahin muna ni Escudero bago Cha-cha 

Gusot sa Kamara paplantsahin muna ni Escudero bago Cha-cha 

MANILA, Philippines- Inihayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na makikipagbati muna siya sa liderato ng Kamara bago simulan ang talakayan sa panukalang pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Sinabi ni Escudero na nakatakda siyang makipagpulong kay House Speaker Martin Romualdez  matapos ihayag ng huli na umaasa siyang ikokonsidera nito ang pag-amyenda sa economic provisioin ng Karta.

“I thank Speaker Romualdez for being gentle with his words as far as respecting the Senate’s prerogatives are concerned. He is my counterpart in the House,” ani Escudero sa Kapihan sa Senado kamakailan.

“I expect to meet with him soon during the break to discuss the relationship, mending what needs to be mended and establishing rules and protocols on how to coordinate with respect to what they are pushing for and with respect to what the Senate is pushing for, and to be able to coordinate and avoid misunderstandings or any miscommunications,” dagdag niya.

Umaasa si Escudero na hindi na magpapalitan ng maanghang na salita sa pagitan ng dalawang kapulungan kapag hindi nagkasundo sa kanilang posisyon sa Charter change dahil itinuturing itong “unparliamentary.”

“Sana maayos, wala nang palitan ng maanghang na salita dahil kahit naman hindi kami nagkakasundo sa isa o tatlo o maraming bagay, hindi rason ‘yan para maghugas kami ng maduming damit, ika nga, sa publiko at magsabihan ng kung ano-anong salita na hindi parliamentary, sa loob o sa labas man ng plenaryo,” ayon sa Senate president.

“Hindi bagay sa mambabatas magsalita ng unparliamentary remarks. Doon muna siguro kami magsisimula bago namin pag-usapan ‘yung ibang mga bagay pa,” giit niya.

Itatakda pa ang pulong ng dalawang lider ng Kongreso. 

Sa panahon ni dating Senate PresidentJuan Miguel Zubiri, nagkaroon ng bangayan sa ilang lider ng House of Representatives sa pamumuno ni Speaker Martin Romualdez na nagpasimuno ng pekeng People’s Initiative.

Kabilang sa isyu na tatalakayin ni Escudero sa panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas ang tunay intensyon sa pagsusulong ng Charter change at isyu kung magkasabay o magkahiwalay na boboto ang dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Mahigpit na tinututulan ni Escudeo ang Charter change kaya inulit ng lider na hindi magbabago ang kanyang posisyon laban sa pagbabago sa 1987 Constitution.

Kasabay nito, inihayag din ni Escudero na hindi na matutuloy ang pagdinig ng komite ng Senado sa Charter change matapos magbitiw si Senador Sonny Angara bilang chairperson ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

“The new Senate President also said that the scheduled committee hearings on economic Cha-cha will no longer push through after the resignation of Senator Sonny Angara as the chairperson of the Senate subcommittee on constitutional amendments and revision of codes… Labing-apat na taon na ako sa Senado at alam at kabisado ko na kung…ano ang mahihirapang magpasa at mahihirapang magpasa,” aniya. Ernie Reyes