Home HOME BANNER STORY Panukalang pagbabawal ng TikTok, iba pang ‘foreign adversary’-controlled apps inihain sa Kamara

Panukalang pagbabawal ng TikTok, iba pang ‘foreign adversary’-controlled apps inihain sa Kamara

MANILA, Philippines- Isang panukala na naglalayong i-ban sa bansa ang mga aplikasyong kontrolado ng aniya’y “foreign adversaries,” gaya ng TikTok, ang inihain sa Kamara ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr.

Ayon kay Abante, layon ng House Bill 10489 na makontrol ang distribution, maintenance at update ng mga app na kontrolado ng “foreign adversary.”  Aniya, ang inihain niyang panukala ay dahil na rin sa ngangangamba ito na ang mga social media app gaya ng TikTok na kontrolado ng China-based ByteDance ay maaaring magamit sa pagkolekta ng sensitive user data na magagamit ng Chinese government para makaimpluwensya ng public opinion.

“China could therefore use TikTok’s content recommendations to fuel misinformation, a concern that has escalated in the United States and led to the passage of a law… banning TikTok in the US.India also banned TikTok along with other Chinese-created apps,” paliwanag ni Abante.

Sa oras na maisabatas ang panukala ay hindi na papayagan ang Internet hosting services sa bansa na pawang foreign adversary-controlled applications.

“That would effectively restrict new downloads of these foreign-adversary controlled applications and interaction with its content. The goal is to enable the Philippine government to prevent the use of these applications or any other modern technology or public utility from being used by foreign adversarial countries to threaten our national security and territorial integrity,” giit ni Abante.

Sinabi ni Abante na sa kasalukuyan ay malalim na ang China sa bansa kung saan may kontrol na ito sa ilang critical infrastructures kabilang na dito ang kanilang pagmamay ari sa 40-percent stake sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) at Dito Telecommunity.

Sa ilalim ng panukala, sa oras na maisabatas ito ay mapapatawan ng pagkakaulong ng anim hanggang 12 taon at multang P5 milyon hanggang P10 milyon ang sinumang lalabag. Gail Mendoza