MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa PAGASA nitong Sabado.
Makakaranas ng maulap na panahon, kalat-kalat na ulan at thunderstorms sa Western Visayas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro at Palawan.
Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms naman sa Negros Island Region at Zamboanga Peninsula.
Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, posible ang localized thunderstorms.
Samantala, ang Bagyong Dujuan ay nasa 2,000 kilometro silangan-hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon bandang alas-3 ng madaling araw, na may lakas ng hangin na 120 km/h at pagbugsong hanggang 150 km/h.
Nasa 140 kilometro naman timog ng Pag-asa Island sa Palawan ang isang Low Pressure Area (LPA) bandang alas-2 ng madaling araw.
Parehong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo at LPA. Bahagya hanggang katamtaman ang hangin at alon sa mga baybayin ng bansa. RNT/MDS