Home NATIONWIDE Habagat magpapaulan sa bahagi ng Luzon, Visayas

Habagat magpapaulan sa bahagi ng Luzon, Visayas

MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa bahagi ng Luzon at Visayas.

Ayon sa PAGASA, magdadala ng occasional rains ang habagat ngayong araw, Agosto 30 sa Palawan.

Magdadala rin ito ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Western Visayas, Negros Island Region, Pangasinan, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na may isolated rain showers o thunderstorm naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC