MANILA, Philippines – Makakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa ilang bahagi ng Luzon ngayong Linggo, Hunyo 1.
Dahil dito ay asahan ang mga pag-ulan dala ng habagat sa Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, at Bataan.
Sa heavy rainfall outlook, posible ang 50-100 mm ng pag-ulan ngayong araw sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pangasinan, La Union, Abra, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, at Bataan.
Samantala, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Habang ang Visayas at Mindanao ay magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm dahil sa localized thunderstorm.
Nitong Biyernes, Mayo 30, ay idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng Habagat o Southwest Monsoon season. RNT/JGC