Home NATIONWIDE Habagat magpapaulan sa Ilocos, Zambales, Bataan at Palawan

Habagat magpapaulan sa Ilocos, Zambales, Bataan at Palawan

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan ang southwest monsoon o Habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong Sabado, Hunyo 8.

Ayon sa PAGASA, ang Ilocos Region, Zambales, Bataan, at Palawan ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa habagat.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC